The Day I turned into a Turtle
Ang blogpost na ito ay marahil isa sa mga pinakamahalagang artikulo na aking maiililikha sa talambuhay ng isang taong nag ngangalang Carlos Palma. Marahil marami sa inyo ang hindi mauunawan kung paano at kung bakit ako naging pagong. Kung bakit ninanais ko ang maging isang pagong. Bagama’t ang pagong ay mabagal, isa itong hayop na kapuri-puri sa kanyang pagkatatag at resilyente. (may salita bang ganun?) Ang pagong ay may isang bahay na gawa sa ivory upang protektahan ang malambot niyang loob. Isa narin ito sa pinaka matiyagang magtrabaho at matagal mamuhay dahil sa pag-iingat. Hindi rin ito basta basta sumasabak sa gulo. Kalkulado ang bawat hakbang. At dahil makupad nga ang pagkilos ng pagong dahil sa bigat ng pasan nito, darating at darating din siya sa kinaroroonan niya. Natural at likas ang pag “adapt” ng isang pagong, mapa-tubig man or lupa. Gusto ko maging pagong.
Kung ang konsepto ng isang pagong ay negatibo sa iyong isipan, kayo ay nagkakamali. Ang pagiging pagong ko ay isa sa mga pinakamagandang desisyon na aking gagawin. Gusto ko maging pagong. Gustong kong pumasan ng isang mabigat na bahay or bagay, upang protektahan ang malalambot kong loob. Gusto ko magadapt sa lupa man o tubig. Gusto kong tumanda ng 100+ na taon. Gusto kong maging isang pagong.
Ngunit, datapwa’t ang isang pagong ay resilyente at matatag, anong klaseng buhay ang mayroon ang isang pagong. Palaging takot sa panganib? Sa unang pagkakataon na masasaktan siya muli, magtatago sa kanyang lungga? Maaring ligtas nga ang pagiging pagong, ngunit titibay ba ang dibdib nito? Gusto ko pa ba maging pagong?



may pagong naman na malakas ang loob sa pagharap sa unos ng buhay, pagong na matapang