Mangyari Lamang

Feb 15, 2010 by     6 Comments    Posted under: Featured Articles, Realizations, The Daily Grind

Dahil sa aking pagbabasa ng isang facebook fanpage aking natuklasan muli ang isang tulang tunay na bumago sa paningin ko. Isang tulang tunay ang makapagbagbag damdamin. (oo kaya ko sabihin ang salitang iyon) Isang tulang hindi nag nais na humili ng emosyon ngunit sa pag talikod niya dito, kay raming tinamaan. Aking handog sa madla ang isang tulang nangahas ipaunawa ang saloobin ng isang tao. Marami ang nagsasabing ang tao ay suma total ng kanyang intellectual. Ngunit kinakalimutan natin na ang aspeto ng pagmamahal. Ang pagmamahal ay karaniwang labas sa mundo ng intellectual.


MANGYARI LAMANG

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig. Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan sa mga malabo ang paningin.

Mangyari lamang ay tumayo rin ang mga nagmamahal at nasawi nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani. Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya.

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata. Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit kinukubli ng pusong lumaki sa mga engkanto’t diwata.

Mangayari lamang ay tumayo ang mga nagmahal, minahal at iniwan ngunit handa pa ring magmahal, nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan. Ipamalas ang mga katotohanang nasaksihan nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim.

At sa mga nananatiling nakaupo:

Mangyari lamang ay dahan-dahang tumayo papalabas sa nakangangang pinto. Umuwi na kayo at sumbatan ang mga magulang na nagpalaki ng isang halimaw.

At sa lahat ng naiwang nakatayo:

Mangyari lamang ay hagkan ang isa’t isa at yakapin ang mga sugatan. Mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik sa ating pinagmulan.

Manatiling masaya. At higit sa lahat, magpatuloy sa pagmamahal.

*maraming salamat k Rico Abelardo*

6 Comments + Add Comment

  • Wahhh, ang ganda ng Mangyari Lamang, if you dont mind may excerp akong kinuha to post on my status in facebook, but of course nilagay ko yung name mo in the end!!!Love love love

  • mangyari lamang na ang ganda talaga ng infrared shot na ginamit mo sa post na to. at mangyari lamang na hindi parin bumalik ang sidebar mo, bakit kaya.. oh bakit kaya…. woooooot!

  • @1107pie Salamat ngunit hindi ako ang lumikha nito. Nakuha ko ito sa klase ni Bobby Guev nung ako ay nasa kolehiyo pa. Sana ay bigyan ng naaayon na parangal ang mismong lumikha na si ginoong Rico Abelardo.

    @Jehz, ang ganda dba? Hiniram ko k sushi yung camera niya habang nag mmeeting siya. Oonga bakit wala parin ung sidebar? Di mo rin alam? Palitan ko nalang ung theme!

  • hanep ka kapatid. ang lupit ng tula mo! :)

  • :)

  • [...] HTML5 2 Tweets And then just like that… on Twitpic 2 Tweets Mangyari Lamang | Carlos' Blag Dahil sa aking pagbabasa ng isang facebook fanpage aking natuklasan muli ang isang tulang tunay [...]

Got anything to say? Go ahead and leave a comment!

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>