Dahil sa mga bagay-bagay…

Jan 13, 2010 by     2 Comments    Posted under: Realizations

na hindi ko maaring talakayin dito at may mga pagkakataon na kailangan lang maglabas ng saloobin o di kaya’y nararapat na sumagot alinsunod sa dekorum na propesyonal ninanais ko na magpaliwanag o di kaya’y sumagot ng iisang beses nalamang.

Marami ang nagtatanong kung kamusta ako, or di kaya’y kung ok lang ako. At karaniwan, kung hindi lagi, ang tugon ko ay “I’m Fine” o ok lang ako. Paulit ulit nilang sisiguraduhin kung ok lang nga talaga ako. Hindi ko inaalis ang malaking pasasalamat ko sa mga kaibigan ko na nagnanais makasiguro na ako’y nasa maayos na kalagayan o di kaya’y ninanais na malaman kung ako nga ay hindi nag papariwara sa aking kalusugan ngunit sana ay maniwala sila sa akin sa aking pagsumbit na ako ay ok lamang.

Dahil sa panibagong panimula sa aking buhay, kay raming dapat iba-on at itago sa karanasang ito. Inakala ko na kung dumating ang panahon na ang sagot sa tanong na “Bakit mo mahal ang isang tao” ay “basta” marahil ay sa unang pagkakataon ay tunay na pagibig na iyon.  Nang aking inakala  na pareho rin ang nararamdaman niya, marahil ay  ang una kong malaking pagkakamali. Mayroong mga mumunting aral na tila panghabang buhay nang naka-ukit sa ispan at buhay ko ang patuloy paring sumasagi sa aking kamalayan o kaya’y diwa ng aking pagiging ako. Sa tanong na kamusta ako, ang nais kong sagutin ay eto inaantay ang matinding pag bugso ng luha. Dahil sa pagdaloy at agos ng luha kasambit ang sama ng loob na tila pumupunit ng mismong pagka-ikaw mo. At ang walang batid na tulo ng luha ay naghuhudyat ng pagtatapos na isang yugto sa buhay na tunay ngang inakala kong simula ng isang kwento ng pagmamahalan na kayang lumaban kahit pa anong balakid ang humarang. Ngunit, sa huli ay pinabagsak ng isang tunay na pagmamahal rin, pagkaloko at pagiging tanga ng isang tao. Ngunit sino nga ba ang dapat sisihin? Ang taong nanloloko dahil siya ay may asawa’t anak ngunit nanloloko ng mga batang babae? O ang babae na nagpapaloko kahit na alam na ang lalaki ay may anak?

Ngunit kahit na gaganito, naisasambit ko parin ang mga salitang “I’m Fine” o di kaya’y ok lang ako dahil alam ko na sa pagtila ng ulan, sa pag awat ng matinding daloy at agos ng emosyon at sa paghupa ng sakit at lungkot, doon lamang makikita at matatanaw ang pinaka maliwanag na bukang liwayway. Doon lamang makikita ang bahagharing inaasam matapos ang ulan.

At matapos ang lahat, uusad din ang buhay. Ang gulong ng palad ay gugulong ng patiwarik. May pag-asa na nagnining-ning sa mga mata. Pag-asang di mapapawi ng kahit na anong balakid. Sa pag-asang magmamahal muli.

2 Comments + Add Comment

  • nakakaiyak…..hayyy
    more.

  • emo naman :D hehehe

Got anything to say? Go ahead and leave a comment!

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>